Sports community malungkot sa pagyao ni Danding Cojuangco
MANILA, Philippines — Nalagasan ng pundasyon ang Philippine sports industry sa pagpanaw ng long-time basketball godfather na si Eduardo “Danding” Cojuangco Jr. kahapon.
Binawian ng buhay ang batikang San Miguel Corporation chairman na kilala bilang ECJ o Dan-ding bunsod ng matagal na niyang sakit.
Siya ay 85 taong gulang.
Bagama’t kilala bilang isang lider sa politika at business tycoon, hindi maikakaila ang naiwang bakas ni Cojuangco sa local sports scene simula pa noong 1980s.
Si Cojuangco ang unang personalidad na nagbuhos nang buong suporta sa Philippine basketball na nagresulta sa pagkakabuo ng solidong Philippine youth at national team sa ilalim ng batikang mentor na si Ron Jacobs.
Sa gabay ni Cojuangco, wagi ang Pinas sa Asian Youth Championship noong 1982, Asian Interclub Championship noong 1984, Jones Cup sa parehong taon, SEA Games at Asian Basketball Conferation noong 1985. Bukod sa SEAG, hindi na ulit nakapag-kampeon ang bansa sa Asian level simula noon.
Bunsod nito, bumuhos ang pakikiramay sa sports patron sa pangunguna ng PBA kung saan kasali ang tatlong koponan ni Cojuangco na San Miguel, Ginebra at Magnolia.
“Thank you for your countless contribution to the PBA and [Philippine] sports! Our prayers and condolences to his family and loved ones,” anang PBA na siyang pinaka-unang pro-basketball league sa Asya na naitatag noong 1975.
- Latest