^

PM Sports

LeBron sa Olympics?

Pang-masa
LeBron sa Olympics?
LeBron James

NEW YORK – Magbabalik si Los Angeles La-kers superstar LeBron James sa Olympic Games.

Isa si James, ang two-time gold medalist at three-time Olympian, sa hanay ng 44 players na inihayag ng USA Basketball bilang mga finalists para sa koponang isasabak sa darating na 2020 Tokyo Games.

Naglaro si James para sa Team USA noong 2004, 2008 at 2012 Olympics.

Natulungan niya ang US team na makuha ang gold medal sa huling dalawa niyang Olympics appearances.

Kasama sa training pool ang 19 players na nanalo ng 31 gold medals sa Olympic o World Cup compe-tition para sa Americans bukod pa ang siyam na players na miyembro ng tropang naghari sa Olympics sa Rio de Janeiro noong 2016.

“I’ve always maintained that equity is important,” sabi ni USA Basketball managing director Jerry Colangelo. “And you earn equity by participating. So, we think they’ve earned the right to be named to the overall roster for USA Basketball. It’s pretty elite. It’s a tremendous pot and the good news is they’ve all said they want to play.”

Noong Disyembre ay sinabi ni James na may posibilidad siyang sumali sa Team USA para sa 2020 Tokyo Olympics.

Nakita si James sa 68 games para sa US national team habang hindi naman siya sumama noong 2016 Rio Games.

Isa sa mga bagay kaya nag-iisip si James na bu-malik sa Team USA ay ang paglalaro sa ilalim ni US coach Gregg Popovich ng San Antonio Spurs.

vuukle comment

LEBRON JAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with