^

PM Sports

3-dehadong kabayo nanalasa sa Metro Turf

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong dehadong kabayo ang nagwagi sa unang tatlong races kahapon sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas kaya naman hamig agad ang mga dehadisya.

Matulis na remate ang nasilayan ng mga karerista nang manalo ang My Priviledge sa PHILRACOM - RBHS Class 4 race na inilarga sa unang karera.

Binigo ng dehadong My Priviledge ang naliyamadong Amiga para sikwatin ang added prize na P10,000 mula sa Philip­pine Racing Commission (PHILRACOM).

Pumuwesto sa bandang likuran ang My Priviledge habang bumabandera ang isa ring dehado na Rafa.

Tangan pa ng Rafa ang bandera hanggang sa far turn kung saan hindi pa rin nababanggit na gumalaw ang My Priviledge at tanging ang kakampi nitong Proof It ang kumakasa sa unahan.

Pagpasok ng huling kurbada ay kumpulan ang mga nasa unahan, nagbabanatan ang Proof It, Light And Shade at Amiga at dito na isi­nigaw ng race caller ang winning horse na My Priviledge.

Sa huling 150 metro ng laban sa rektahan ay nasa unahan na ang Proof It pero nilampasan ito ng Lught And Shade.

 Sa kabutihang pa­lad, malakas ang da­ting ng My Priviledge at nakuha ng kuwadra ni horse owner AV Tan ang panalo.

“Mabuti na lang, ma­lakas ang remate ni My Privilege, magaling din yung kakampi niyang si Proof It,” masayang saad ni Jessie Capobres, beteranong karerista.

Nagwagi ang My Priviledge na may kalahating kabayo ang agwat sa nasegundong Light And Shade, tersero ang Proof It pero dahil couple entry sa nanalong kabayo, magiging No. 3 ang Amiga habang pang-apat ang Rafa.

Inirehistro ng My Privilesge ang 1:30.2 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ni horse owner AV Tan ang karagdagang P10,000 premyo.

Bumanderang tapos naman ang Kid Kenshin sa Condition Race cate­gory 22 na pinakawalan sa pangalawang karera.

Kumaripas agad sa unahan ang Kid Kenshin at hindi na nito pinaporma ang top favorite na Cat’s Day at second choice na Smiling Gee.

Walang kahirap-hirap na kinuha ng Kid Kenshin ang unahan kaya naman nakapagreserba ito ng lakas hanggang sa rektahan.

“Hinayaan ko lang siyang lumarga tapos noong malinaw na kami na ang bandera ay tinipid ko ‘yung bilis ni Kid Kenshin para may lakas pa sakaling may biglang rumemate.” ani class B rider AS Pare.

Naitala naman ng Kid Kenshin ang 1:14.4 minuto sa distansyang 1,200 meter race.

Samantala, nagtuluy-tuloy ang pananalasa ng mga dehadista nang silatin ng Sizzling Hot ang Concepcion.

Nasa unahan ang Concepcion sa far turn pero ginulat ito ng Sizzling Hot na lumiliyab ang remate papasok ng home turn.

Pagkakuha ng Sizzling Hot sa unahan ay hindi na sinayang ng kanyang hinete ang pagkakataon.

“Nararamdaman ko na malakas si Sizzling Hot kaya kahit malayo pa ang karera ay pinagalaw ko na, nakita naman home turn pa lang kumuha na kami ng unahan,” masayang hayag ni class B jockey BZ Llarenas.

Sumegundo ang Jersy Crown, tersero ang Sir Rik habang pang-apat na tumawid sa meta ang Concepcion.

vuukle comment

METRO TURF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with