^

PM Sports

Ravena, Fajardo napili sa random drug testing

Russell Cadayona - Pang-masa
Ravena, Fajardo napili sa random drug testing

MANILA, Philippines — Isa si point guard Kie­fer Ra­vena sa dalawang player ng Gilas Pilipinas na napiling sumailalim sa isang random drug test bago ang 2019 FIBA World Cup dito.

Sinabi ng 25-anyos na si Ravena na inasahan na niyang mangyayari ito sa kanya matapos mapatawan ng 18-month suspension ng FIBA.

Ito ay sa pagi­ging positibo sa pagka­karoon ng banned subs­tance sa kanyang ka­tawan mula sa iniinom niyang energy drink.

Positibo si Ravena sa methylhexanamine, 1,3-Dimethylbutylami­ne at higenamine, nasa listahan ng mga banned substances ng World Anti-Doping Agen­cy, na nakita sa kanyang pre-workout drink na ‘DUST.’

Dahil dito ay binawalan ng FIBA at ng PBA si Ravena na makilahok sa anumang ensayo o laro ng Gilas Pilipinas at NLEX.

Ginawa ang nasabing random drug testing ma­tapos ang laban ng Nationals sa Japan noong na­­­karaang 2018 FIBA Asian qua­lifiers.

“It’s really funny but at the same time, completely understandable,” sa­bi ni Ravena.

Natapos ang nasabing suspensyon kay Ravena noong Agosto 24 kaya si­ya muling nakapag-en­sayo para sa Gilas Pi­lipinas at NLEX.

Dumaan din sa natu­rang random drug test si five-time PBA MVP June Mar Fajardo.

Kumpiyansa sina Ra­vena at Fajardo na walang makikitang banned subs­tance sa kanilang mga ka­tawan.

Isasagawa ng WADA ng naturang pro­seso sa kabuuan ng 2019 FIBA World Cup.

Samantala, inireklamo naman ng Italy at Angola ang eksperyensa nila sa Foshan International Sports and Cultural Center habang nag-eensayo.

Sa kanyang Twitter acctount, ay sinabi ni American coach Will Voigt ng Angola na hindi sila pinagamit ng confe­rence room para sana sa kanilang pagpupulong.

“We were refused a conference room, there is no internet working and they are charging everyone to wash practice gear and uniforms. You can do better China & @FIBA,” ang tweet ni Voigt.

Hindi naman binigyan ng bola ang mga Italians para sa kanilang ensayo.

Ang Italy ang unang lalabanan ng Gilas Pilipi­nas sa pagsisimula ng tor­neo.

Nakatakda ang nasabing laro nga­yong alas-7:30 ng ga­bi.

 

RAVENA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with