Marvin nagtala ng knockout win
Chris Co (Pang-masa) - July 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagtala si Southeast Asian Games gold me-dallist John Marvin ng impresibong third-round knockout win upang umabante sa quarterfinals ng men’s flyweight, 52 kg. division sa 2019 Thailand Open International Boxing Championship na ginaganap sa Bangkok, Thailand.

Hindi nakaporma kay Marvin si Assaghir Mohammaed ng Morocco para masiguro ang tiket sa Round-of-8 ng torneong may basbas ng Asian Boxing Confederation.

Sunod na makakaharap ni Marvin si Zhang Jilei ng China na umiskor ng 5-0 (30-27, 30-27, 30-27, 30-27, 30-25) unanimous decision win kay Ganesh Pradhan ng Nepal sa hiwalay na laban.

Sa pagpasok ni Marvin sa quarterfinals, makasisiguro na ito ng $300 premyo o katumbas ng mahigit P15,000.

Muling nalagasan ang pambansang koponan matapos mapatalsik sa kontensiyon si Marvin Tabamo sa men’s flyweight (52 kg.) class.

Umani si Tabamo ng 0-4 kabiguan sa kamay ni Rajab Otokile Mahommed ng Botswana. Pumabor ang apat na hurado kay Mahommed – 30-26, 30-26, 29-26, 29-27 habang tabla ang ibinigay na iskor ng ikalimang judge.

Target naman nina Ian Clark Bautista (men’s bantamweight, 56 kg.) at 2014 World Championship silver medalist Nesthy Petecio sa women’s featherweight (57 kg.) na makahirit ng tiket sa quarterfinals sa pagsabak sa kani-kanyang karibal.

Makakatipan ni Bautista si Jack Denahy ng Australia na nakahirit ng opening round bye habang aariba naman si Petecio kontra kay Tumurkhuyag Bolortuul ng Mongolia na nanalo kay Chandrakala Thapa ng Nepal.

JOHN MARVIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with