^

PM Sports

Torre bumagsak din kay Quizon

Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos gulatin si Filipi­no Grand Master Joey An­tonio sa isang blitz match at talunin ang mas na­ka­katandang players sa Na­tional Juniors Championship ay nagpatuloy sa kanyang ratsada ang 14-anyos na si Daniel Qui­zon.

Idinagdag ni Quizon sa kanyang mga biktima ang 67-anyos na si GM Eugene Torre sa Asian Continental Championships sa Xingtai, China noong Sabado ng gabi.

Nakatakdang labanan ni Quizon si No. 13 GM Su­­ri Vaibhav ng India kagabi sa third round ng nasabing tor­neo.

Nauna nang binigo ni Qui­zon si Antonio, 6.5-.5 at isinunod sina IM John Mar­vin Miciano at reigning national juniors’ titlist Jeth Romy Morado sa National Juniors kamakailan.

Noong Marso ay kala­ha­ting puntos na lamang ang kailangan ni Quizon pa­ra makuha ang ikalawa sa tatlong norms na kaila­ngan para maging GM.

Ngunit tumapos siya sa top 20 sa Ninth HD Bank event sa Vietnam.

Si Quizon ang sinasa­bing susunod sa mga ya­pak ni Wesley So, ang tu­bong Bacoor, Cavite na nakabase ngayon sa Uni­ted States at naging World No. 2 noong 2018.

 

QUIZON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with