2nd round ng UAAP football sisipa ngayon
MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng National University ang solo lead sa kanilang pagharap sa De La Salle-Zobel sa pagbubukas ng second round ng UAAP Season 81 juniors football tournament ngayon sa FEU-Diliman pitch.
Magtatagpo ang Bullpups at Junior Archers sa ganap na alas-3 ng hapon.
Sa alas-1 ay magkikita naman ang Ateneo Blue Eaglets at University of Santo Tomas Tiger Cubs sa pagpapatuloy ng aksyon matapos ang Christmas break.
Nakaupo ang NU sa second spot mula sa kanilang 8.0 points sa likod ng dalawang panalo at dalawang draws.
Ang FEU-Diliman ang nanguna sa first round sa itinalang 10 points buhat sa tatlong panalo at isang draw.
Hangad ng De La Salle-Zobel, ang 2018 runner-up, na makuha ang full points makaraang mabokya sa first round.
- Latest