^

PM Sports

Velez muling nanilat

Pang-masa

MANILA, Philippines – Muling nanilat ang sumisikat pa lang na si John David Velez nang gulantangin nito si second seed Jude Hidalgo, 6-4, 6-2 kahapon para makapasok sa semifinals ng boys’ 16-under division ng 30th Andrada Cup Tennis Championships sa Rizal Tennis Center.

Ikatlong sunod na upset win ito ng 14-anyos na si Velez matapos nitong silatin si sixth pick Jester Ocio, 6-2, 6-3 sa second round noong Miyerkules at No. 16 Miguel Castillo, 6-2, 6-2 sa sumunod na araw.

Haharapin ni Velez, tubong Davao, ang mananalo sa pagitan nina No. 4 Rupert Orelle Tortal at Exequiel Jucutan, na naglalaban pa as of presstime, sa alas-9:00 ng umaga ngayon sa torneong ipinangalan kay dating Philippine Tennis Association president Buddy Andrada at sponsored ng Thadeus Sports Store.

Nakilala na si Velez sa international scene matapos maghari sa 13th Asian Tennis Federation tournament sa Serawak, Malaysia noong nakaraang taon matapos manalo sa mga  local tournaments sa kanyang age bracket.

Nanalo rin sina top seed Axl Lajon Gonzaga at Marco Macalintal kina Manolo Angara, 5-7. 7-5, 10-6 at Stephen Paul Catipon, 6-2, 6-3 ayon sa pagkakasunod para itak-da ang kanilang semis showdown sa kabilang side ng bracket.

Ikalawang panalo ito ni Gonzaga, isang araw matapos durugin si Joshua Diva, 6-0, 6-2 para pumasok sa semis ng boys’ 14-under.

Kasama ni Gonzaga sa semis si Exequiel Jucutan na tumalo kay Samuel Reane Nuguit, 6-2, 6-2, Darwin Cosca, Jr. na nanaig kay Lukas Yupangco, 6-1, 6-1 at top seed Mark Andrei Jarata na nagtala ng 6-2, 6-4 panalo kay Prince Patrick Salvacion.

 

VELEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with