^

PM Sports

P7.5-Bilyon budget para sa SEA GAMES

Andrew Dimasalang - Pang-masa
P7.5-Bilyon budget para sa SEA GAMES

MANILA, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon sapul  nang mag-groundbreaking sa kaagahan ng taon ay binisita ng mga lokal na opisyal at atleta ang New Clark City Sports Complex na magiging tahanan ng 30th Southeast Asian Games sa susunod na taon.

Giniyahan nina Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Chairman Allan Peter Cayetano, former Special to the President Bong Go at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President Vince Dizon ang naturang pagbi-sita, isang taon bago ang prestihiyosong biennial event sa rehiyon ng Southeast Asia.

“This is the premier facility that will represent our seven-thousand plus islands,” ani Cayetano sa kaganapan na dinaluhan din ng halos 200 atleta kasama na   ang mga alamat na sina Eric Buhain at Lydia De Vega.

“This wouldn’t be possible without the help and support of all the stakeholders.”

Ianunsyo din ni Cayetano, dating kalihim ng Foreign Affairs, ang nakahanda nang pondo na tumataginting na P7.5 bilyon para sa SEAG na iho-host ulit ng bansa sa unang pagkatataon sapul noong 2005.

Sisibol sa naturang 60-ektaryang New Clark City ang world-class facilities tulad ng International Association of Athletics Federation (IAAF)-certified na 20,000-seater athletics stadium at International Swimming Federation (FINA)- standard na 2,000-seater na aquatic center.

Nagsimulang itayo nitong Marso, inaasahang matatapos ang construction sa Agosto ng susunod na taon bago tuluyang ipamahala sa gobyerno sa Oktubre.

Libu-libong atleta mula sa 10 iba pang kapit-bahay na nasyon sa Southeast Asia ang inaasahang magtitipun-tipon sa bansa para sa SEAG na magbubukas naman sa Nobyembre 30 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Matapos ang SEAG, inaasahang magiging permanenteng training facilities na ng mga national athletes ang New Clark City.

Posible namang pagdausan din ito ng 2020 ASEAN ParaGames at 2030 Asian Games na susubukang i-bid ng Pilipinas.

 

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with