Prince Eze ang NCAA MVP

MANILA, Philippines — Tinalo ng Nigerian na si Prince Eze ang lahat ng baguhan para makuha ang MVP award sa 94th NCAA senior basketball tournament.
Umani si Eze ng kabuuang Player All-Around Value (PAV) na 61.89, malayo sa pumangalawang si Bong Quinto ng Letran para maging ikalawang MVP winner mula sa Las Piñas-based team matapos manalo si Earl Scottie Thompson apat na taon na ang nakakaraan.
Kasama dapat si CJ Perez ng Lyceum of the Philippines sa pagpipilian ngunit na-disqualified dahil sa kanyang suspension bunga ng kabiguang magpaalam sa liga na nag-apply ito sa PBA draft para sa taong ito. Pinalitan ni Donald Tankoua ng San Beda si Perez sa Mythical Five sa kanyang 46.56 PAV para samahan sina Robert Bolick (48.39) at Javee Mocon (47.89).
Tinapos ni Eze ang kanyang season sa pagkopo rin ng Defensive Player of the Year award.
Si Larry Muyang ng Letran ang napiling Rookie of the Year habang si Archie Concepcion ng Arellano ang paparangalan ng Most Improved Player awardee.
Si Joel Cagulangan ng College of St. Benilde-La Salle-Greenhills ang napiling juniors MVP matapos lumikom ng 52.24 matapos maitsapuwera si Aaron Fermin ng AU kahit may pinakamataas na PAV na 53.56 dahil hindi nakapasok ang kanyang team sa Final Four.
Kasama si Fermin sa Mythical squad kasama sina Inand Fornilos at Joshua David ng LSGH at Clint Escamis ng Mapua.
- Latest






















