_pang-masa
^

PM Sports

Ranagant nakadehado

Vince Nuguid - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naipanalo ni jockey CM Pilapil ang kabayong Ranagant kahapon (Race 3) sa pista ng Metro Turf Club sa bayan ng Malvar, Batangas.

Pangalawa sa pinakadehado sa bentahan ang Ra­nagant na pagmamay-ari ng ERML Trading and Engineering at mahusay na kinundisyon ni trainer Pinog Rivera.

Sa nasabing karera ay bumandera ang Mid Sum­mer Night kasunod ang Thirty Six Roses, Ta­bing Ilog at True Religion.

Nagpatuloy ang mainitang bakbakan sa unahan hanggang rektahan bago dumating ang Ranagant, Spicy Bullet at True Religion kung saan nanalo ang una nang may kalahating kabayong agwat.

Ang Forecast na may nanalong kumbinasyon na 1-8 ay nagbigay ng dibidendong P399.00 sa isang ticket, habang ang Trifecta naman ay nagbigay ng dibidendong P1,260.20 sa isang ticket.

Malaki naman ang tinamaan ng mga nakakuha sa nanalong kumbinasyon na 1-8-7-4 para sa Quartet dahil P24,524.20 ang naging dibidendo nito, habang Carry-Over ang Pentafecta at SuperSix.

Sa Daily Double naman kabit sa nanalong Kay Tagalog sa Race 2 ay nagbigay ng tamang P219.00 sa isang ticket at sa Extra Double naman kabit sa nanalong kabayong Barayong sa Race 1 ay nagbigay ng tamang P93.50 sa isang ticket.

Ang Daily Double naman kabit sa nanalong Garantisado sa Race 4 ay nagbigay ng dibidendong P240 sa isang ticket at sa Extra Double kabit sa nanalong Tito Gene ay nagbigay ng tamang  P441.50 na may nanalong kumbinasyon na 1-3.

 

RANAGANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with