_pang-masa
^

PM Sports

Dream Supreme nambulaga

Vince Nuguid - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinakadehado sa lahat ang kabayong Dream Supreme nang manalo sa Race 3 noong Miyerkules sa pista ng San Lazaro Leisure and Business Park sa Carmona, Cavite.

Sinakyan ni jockey CP Henson ang 12-anyos na Dream Supreme na pagmamay-ari ni Ng Velasco at kinukundisyon naman ni trainer Jacob.

Sa nasabing karera ay bumandera ang liyamadong kabayo na Undercover, habang nasa segundo puwesto lang ang tambalang Dream Supreme at jockey CP Henson.

Pagsapit sa huling kurbada ay nagparemate na rin ang kakampi nang naunang kabayo na Alim’s Joy at kinuha ang one-two position pero pagda­ting sa rektahan ay muling humabol ang Dream Supreme at nanalo pa nang may tatlong katawan agwat.

Malaki ang ibinigay sa Forecast Betting Option dahil P446.50 kaagad ang tinamaan ng mga na­kakuha sa nanalong kumbinasyon na 3-6, habang bayong naman ang naging dibidendo sa Quartet dahil P2,317.40 ang tinamaan ng mga nakakuha sa kumbinasyong 3-6-2-4.

Maganda rin ang bigay sa Extra Double kabit sa nanalong Jack of Clubs sa unang karera da­hil ang ti­namaan ng mga nakakuha sa kum­bi­nasyon na 9-3, habang ang dibidendo naman sa Extra Double kabit sa na­nalong Messi sa Race 5 ay nagbigay ng tamang P267 kada ticket.

Sa Pick-6 naman kung saan anim na na­nalong kabayo ang ka­ilangang makuha na nag­simula sa Race 2 ay nagbigay ng tamang P10,927 sa isang ticket na may nanalong kumbinasyong 7-3-8-3-1-5.

Laglagan ka­agad sa Winner Take-All nang ma­nalo ang Dream Supreme dahil 7,174 o 3,587 tikets na lang ang na­tira galing sa 281,899 na live pa bago tumakbo ang Race 3 kaya naman nang ma­tapos ang karera ay P30,831.80 ang ibi­nigay sa mga tumama sa Win­ner-Take-All.

DREAM SUPREME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with