^

PM Sports

Silver medal lang para kay Ladon

Mae Balbuena-Villena - Pang-masa
Silver medal lang para kay Ladon
JAKARTA -- Kinagat ni Filipino boxer Rogen Ladon ang kanyang silver medal.
PM photo ni Joey Mendoza

Pilipinas inupuan ang no. 19 sa medal standings

JAKARTA — Ba­ga­­ma’t ibinuhos lahat ni Ro­gen Ladon at lumaban nang patas, lumasap ito ng kontrobersiyal na ka­biguan kontra kay Jasurbek Latipov ng Uzbekis­tan dahil sa headbutt sa ka­nilang gold medal bout sa  pagtatapos ng bo­xing competition ng 18th Asian Games sa Jakarta International Expo kaha­pon dito.

Inihayag na Referee Stopped Contest-Second Round, ngunit ibinase ito sa scorecards ng mga judges na pabor sa Uzbek fighter, 3-1.

Pumutok ang kanang kilay ni Ladon dahil sa head butt ni Latipov at idi­neklara ng ringside doctor na hindi na maaa­ring magpatuloy sa laban si Ladon.

Sa tingin ni Ladon at ng marami ay lamang siya sa first round kung sa­an nanalo sa points ang Uzbek sa tatlong judges at dalawa lang sa kanya.

“Siyempre, nadisma­ya ako na hindi man lang siya nakatama, mas ma­rami pa tayong sinuntok na itinama sa kanya pero ganun pa rin ‘yung tawag nila,” pahayag ni Ladon na may sugat sa taas ng kaliwang kilay, “Masama ang loob ko kasi kahit hin­di sumusuntok, may pun­tos pa rin. Wala ta­yong magagawa kasi ganun ang mga judges.”

“Parang sinadya ‘yung head butt, naram­da­man niya, lumalaban na rin ako sa kanya eh. Natumba na siya tapos, pag­tayo niya, na-head butt ako,” dagdag pa nito.

Ang silver ni Ladon ang nag-angat sa Pilipinas ng kabuuang 21 me­dals na 4 gold, 2 silver at 15-bronze medals sa opisyal na pagsasara ng kompetisyon nga­yon.

Sa volleyball, luma­sap naman ang mga Pi­nay volleybelles ng 17-25, 25-23, 19-25, 20-25 pag­ka­talo sa Indonesia para tumapos na eight place sa women’s volley­ball competition na nilahukan ng 12 bansa sa la­rong gi­na­nap sa Gor Bu­lungan gym.

“We came here with a very modest goal of ma­king it into quarterfinals, so it’s still a mission accomplished for us,” paha­yag ni coach Shaq Delos Santos sa pagtatapos ng kampanya ng Pilipinas sa wo­men’s volleyball sa unang pagkakataon sapul no­­ong 1982 nang hu­ling naglahok ng team sa kom­petisyong ito.

Samantala, tatapusin naman ng mga national triathletes ang kampanya ng 275-man Philippine team sa mixed relay ng triathlon sa Palembang.

Sisimulan ni 2017 Singapore Southeast Asian Games women’s triathlon queen Claire Adorna ang karera kasunod sina John Chicano, Kim Mangrobang at Mark sa Lakes and Grounds ng Jakaba­ring Sports City.

Sasabak sila sa pinaig­sing 300-meter swim, 7-km bike at 1.8-km. run kung saan pagsasamahin ang oras ng apat na at­le­ta para matukoy ang ka­nilang overall standing.

ROGEN LADON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with