^

PM Sports

Lady Spikers pasok sa finals

Chris Co - Pang-masa
Lady Spikers pasok sa finals
Umatake si Desiree Cheng ng La Salle laban kina Risa Sato at Jasmin Nabor ng NU.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Pinana ng nagdedepensang De La Salle University ang impresibong 27-25, 25-22, 25-11 panalo laban sa National University para tuhugin ang huling silya sa finals ng UAAP Season 80 women’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Matatalim na atake ang pinakawalan ni Kim Kianna Dy na nakalikom ng 17 puntos para tulungan ang Lady Spikers na makabalik sa finals sa ika-10 sunod na pagkakataon at makalapit sa inaasam na three-peat.

Nagbigay din ng sapat na suporta sa opensa sina Tin Tiamzon, Aduke Ogunsanya at reigning MVP Majoy Baron habang minanduhan ni libero Dawn Macandili ang floor defense para tulungan si setter Michelle Cobb na makagawa ng solidong plays.

Lumabas ang tapang ng Lady Spikers nang dominahin nila ang attack line tangan ang 42 kills laban sa 29 lamang ng Lady Bulldogs. Na-ging armas din ng La Salle ang matutulis na services nito para makapagrehistro ng 11 aces.

Naisaayos ng La Salle ang pakikipagtipan sa Far Eastern University sa best-of-three finals na magsisimula sa Abril 28 sa Smart Araneta Coliseum.

Nauna nang umusad sa championship round ang Lady Tamaraws matapos pabagsakin ang Ateneo de Manila University, 25-20, 25-21, 14-25, 25-19, sa hiwalay na semis game noong Sabado.

Sa men’s division, napaamo ng NU ang University of Santo Tomas, 25-13, 25-13, 31-29 para hablutin ang unang tiket sa finals.

Makakaharap ng NU sa best-of-three championship showdown ang magwawagi sa pagitan ng Far Eastern University at nagdedepensang Ateneo de Manila University sa do-or-die semis game sa Miyerkules.

vuukle comment

UAAP

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with