Pacquiao vs Matthysse matinding bakbakan
Mae Balbuena (Pang-masa) - April 19, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Dahil pareho ang style ng Senator boxer na si Manny Pacquiao at ni Lucas Matthysse, siguradong matinding bakbakan ang magaganap sa July 15 sa kanilang pagsasagupa sa Malaysia.

Ito ang siniguro ng eight-division champion na si Pacquiao sa ginanap na official press launching ng laban sa City of Dreams kahapon sa Parañaque City.

“What we want is to get an opponent that can give excitement to the fans at naniniwala ako na si Matthysse ang isa sa pikamagaling na kalaban ko, because of his style.”

Aminado si Pacquiao na malakas ang kalabang si Matthysse  ngunit hindi umano ito dahilan para ‘di niya matapatan ang lakas nito.

“In any fight there is a risk, but it depends on how you prepare for it,” pahayag ng Filipino boxing idol na si Pacquiao.

Knockout ang puntirya ni Pacquiao ngunit ayaw niyang pakasiguro.

“That’s my goal, to get that knockout. But I am not predicting the fight. I just want to make our fans happy,” ayon pa sa 39-anyos na boxing great.

Ang 36-anyos na si  Matthysse  ang record na 39 panalo at 4 na talo, 36 dito ay  knockout habang si Pacquiao ay may 59-wins, 7 knockouts at 2-draw, 38 dito at knockout.

Sina Pacquiao at Matthysse ay pareho ang galaw sa ring, parehong maliksi at eksperto sa pagpapatumba ng kalaban base sa kanilang knockout records.

Balak magsanay ni Pacquiao ng sampung linggo rito sa Manila, bago niya itutuloy ang nasabing pagsasanay sa Malaysia ilang araw bago ang kanilang pagtutuos ni Matthysse.

“He is dangerous, he is the champion. But I do believe we can box him out and control the fight. that’s why I think we really need to have a good training camp,” pahayag ng Senador.

Ito ang unang laban ni Pacquiao sa ilalim ng kanyang sariling promos-yon na MP sa pakikipagtulungan ng Golden Boy Promotions ni Oscar De La Hoya.

Planong imbitahan ni Pacquiao si Pangulong Duterte na manood ng kanilang laban. “If the President is not busy,” sabi ni Pacquiao. “ I plan to invite him.”

Related video:

PACQUIAO VS MATTHYSSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with