_pang-masa
^

Tigers o Falcons?

Chris Co (Pang-masa) - April 18, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Magbabakbakan ang University of Santo Tomas at Adamson University para sa huling silya sa Final Four ng UAAP Season 80 men’s volleyball tournament.

Nakatakda ang engkuwentro ng Growling Tigers at Soaring Falcons sa alas-2 ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City kung saan ang magwawagi ang uusad sa semis kasama ang National University, Far Eastern University at nagdedepensang Ateneo de Manila University.

Mataas ang moral ng Growling Tigers matapos sakmalin ang 25-23, 21-25, 25-16, 25-17 desisyon laban sa Soaring Falcons noong Linggo.

Dahil sa panalo, tumabla ang UST sa Adamson sa No. 4 spot tangan ang parehong 6-8 baraha para maipuwersa ang playoff game.

Nasandalan ng Growling Tigers sa naturang laro si Jayvee Sumagaysay na umiskor ng 20 puntos katuwang si Tyrone Carodan na may 14 at sina Manuel Medina at Arnold Bautista na may tig-11.

Kukuha naman ng lakas ang Soaring Falcons mula kay Paolo Pablico na nakalikom ng 17 puntos sa kanilang huling laro ngunit kailangan nito ng tulong mula kina George Labang, Royce Belo, John Philip Yude at setter Leonard Amburgo.

Ang mananalo sa UST-Adamson game ang siyang haharap sa top-ranked National University sa semifinals sa Linggo sa Mall of Asia Arena. Maghaharap naman sa hiwalay na Final Four game ang No. 2 Tamaraws at No. 3 Blue Eagles sa Sabado sa parehong venue.

Armado ang Bulldogs at Tamaraws ng twice-to-beat card sa semis.

UAAP SEASON 80
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with