May tampo si Roach kay Manny
Freddie Roach at Manny Pacquiao
May tampo si Roach kay Manny
Russell Cadayona (Pang-masa) - April 16, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wala siyang tawag sa telepono na natanggap o maski man lang isang simpleng text message mula kay Manny Pacquiao.

Sa isang maikling pahayag kahapon ay ipinaramdam ni Hall of Fame trainer Freddie Roach ang kanyang saloobin sa ginawang pagdispatsa sa kanya ng Filipino world eight-division champion na itinuring na niyang anak.

“Manny and I had a great run for 15 years -- longer than most marriages and certainly a rarity for boxing,” wika ni Roach sa isang statement. “I wouldn’t trade any of it. Inside the boxing ring and the political ring, I wish Manny nothing but the best.”

Si Roach ang nasa corner ni Pacquiao noong Hulyo nang matalo kay Australian Jeff Horn (18-0-1, 12 KOs) via unanimous decision at naisuko ang bitbit na WBO welterweight belt sa Brisbane.

Ang mga pahayag ng 58-anyos na si Roach matapos ang pagkatalo kay Horn tungkol sa kakulangan sa panahon ni Pacquiao sa pagsasanay dahil sa kanyang trabaho sa Senado ang labis na dinamdam ni Pacquiao.

“There was some concerns Manny had in the last fight and some statements Freddie made to the media that Manny wasn’t very pleased about,” ani Michael Koncz, ang Canadian business manager ni ‘Pacman’.

Noong Pebrero ay ilang beses tinawagan ni Roach si Pacquiao para makibalita kaugnay sa susunod na laban ng Filipino boxing great.

Ngunit wala siyang natanggap na return call mula sa 39-anyos na Senador. “I would be lying if I didn’t say I wasn’t hurt that he didn’t contact  me personally about his decision, but the great times we enjoyed together far outweigh that,” ani Roach.

Sapul noong 2001 kung saan tinalo ni Pacquiao si Lehlo Ledwaba via sixth-round KO para sa IBF super bantamweight crown ay naging magkapartner na sina Pacquiao at Roach sa labas at loob ng boxing ring.

Para sa kanyang paghahamon kay Argentinian world welterweight king Lucas Matthysse (39-4-0, 36 KOs) sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia ay tinapik ni Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) ang kanyang kababatang si Restituto “Buboy” Fernandez bilang chief trainer kasama si Raides “Nonoy” Neri.

Sa paggiya ni Roach ay nagkampeon si Pacquiao sa record na walang weight divisions bukod pa sa pagkilala sa kanya bilang BWAA Fighter of the Year ng tatlong beses.

FREDDIE ROACH MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with