^

PM Sports

Ayaw isuko ni Morales

Russell Cadayona - Pang-masa

STA. ROSA, Laguna, Philippines - Sa tatlong laps ay laging nakabantay si Ronnel Hualda ng Go for Gold kay Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance.

Hindi isinuko ng nagdedepensang kampeong si Morales ang trangko para angkinin ang kanyang pang-apat na lap victory at ang pagbitbit sa Red Jersey sa 2017 LBC Ronda Pilipinas.

“Nasa first group kami (Navy) ng Go for Gold, tapos nakalayo kami ni Hualda at nagsolo bago pa ‘yung last three laps,” sabi ni Morales matapos magtala ng bilis na isang oras, limang minuto at 58 segundo para banderahan ang 50-kilometer criterium race-Stage Nine kahapon dito sa Nuvali.

Unang nakatawid ng finish line ang 31-anyos na si Morales kasunod si Hualda (1:05:58) at  Lloyd Lucien Reynante na nanguna sa grupong nagsumite ng oras na 1:06:26 kasama sina Rudy Roque at Archie Cardana ng Navy, Orlie Villanueva ng Go for Gold, Daniel Ven Carino at Stage One winner Ronald Lomotos ng Navy, Jaybop Pagnanawon ng Bike Xtreme at Cris Joven ng Kinetix Lab-Army.

“Medyo masama ang tiyan ko dahil sa nakain ko noong Sabado pero pinilit ko pa ring manalo para hindi mawala sa akin ‘yung Red Jersey,” sabi ng tubong Calumpang, Marikina.

Si Morales ang nanguna sa Stage Two, Three at Stage Seven.

Aminado naman si Hualda na hindi niya kinayang agawin kay Morales ang unahan.

“Sinabayan ko lang siya, pero talagang malakas si Jan Paul sa sprint,” ani Hualda sa 14-stage race na iniha-handog ng LBC katuwang ang MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Victory Liner, Maynilad, Standard Insurance.

Hahawakan pa rin ni Morales ang Red Jersey sa paghataw ng 130km-Stage 10 sa Tagaytay City sa kanyang overall lead na 30:00:58 kasunod sina Roque (30:03:35) at Lomotos (30:05:56) ng Navy, Jonel Carcueva (30:06:45) ng Go for Gold, Joven (30:06:50), Bryant Sepnio (30:08:34) at Elmer Navarro (30:08:41) ng Go for Gold, Leonel Dimaano (30:08:48) ng RC Cola-NCR, Ismael Grospe, Jr. (30:10:46) ng Go for Gold at Jay Lampawog (30:10:38 ng Navy.

Tangan pa rin ng Navy ang overall team lead sa kanilang 121:12:04 sa itaas ng Go for Gold (121:32:17) at Kinetix Lab-Army (121:53:34).

vuukle comment

RONNEL HUALDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with