^

PM Sports

Le Tour de Filipinas lalarga na

Pang-masa

LEGASPI City, Philippines —Lalarga na ang Le Tour de Filipinas  kung saan tatlong  pambatong Pinoy ang mangunguna sa kampanya ng mga locals laban sa mga dayuhan sa ikawalong edisyon ng karerang ito na hinahabol ng mga Asian riders.

Armado ng karanasan mula sa nilahukang He-rald Sun Tour kung saan lumahok ang Tour de France champion na si Chris Froome, handa na sina Mark Galedo at Rustom Lim of 7 Eleven Road Bike Philippines na harapin ang hamon ng mga dayuhang ri-ders sa pangunguna ni Frenchman Thomas Lebas ng Kinan Cycling Team.

Sina Galedo and Lebas ay may iisang layunin sa karerang ito na handog ng Air21: Bawiin ang titulo na kanilang napanalunan noong 2014 at 2015, ayon sa pagkakasunod.

Nabigo si Lebas na ipagtanggol ang kanyang titulo noong nakaraang taon matapos mag-crash sa karera habang pinagtulungan naman si Galedo ng mga riders mula sa Kazakhstan na ginawang final warm-up ang Le Tour de Filipinas bago umakyat sa elite level ng professional cycling.

Kung may nakuhang magandang karanasan si Lim sa pakikipagkarera kay Froome lalo na sa ak-yatan, kayang makipagsabayan ng Philippine National Team sa mga foreign riders sa karerang inorganisa  ng Ube Media Inc. sa ilalim ni Donna May Lina katulong ang Petron at UPS bilang principal sponsors at Philippine Airlines bilang official airline partner.

“George is ripe for this race. He will be our main man on the national team,” sabi ni national coach Bert Oconer bago ang 164.49-km Stage One na pakakawalan ni Legaspi City Mayor Noel Rosal at PhilCycling Chairman Bert Lina sa Embarcadero promenda area at magtatapos sa Sorsogon.

Inaasahang uulanin ang Bicol region sa mga susunod na araw kaya malamang na hindi masilayan ng mga riders ang tuktok ng Mayon Volcano.

 

vuukle comment

LE TOUR DE FILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with