Cleveland vs New York sa NBA opening
(Pang-masa) - October 25, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bubuksan ng National Basketball Association ang kanilang ika-71 season nitong Miyerkules tampok ang tatlong laro sa opening night.

Makakatapat ng NBA champion na Cavaliers ang New York Knicks sa Cleveland  lalabanan ng Trail Blazers ang Utah Jazz sa Portland at magtutuos ang San Antonio Spurs at Warriors sa Golden State.

Narito ang preview ng opening night matchups:

New York versus Cleveland -- Nakatakdang tanggapin ng Cavaliers ang kanilang championship rings bago ang kanilang salpukan ng Knicks, idinagdag sina dating Kia NBA Most Valuable Player Derrick Rose at Kia NBA Defensive Player of the Year Joakim Noah sa offseason.

Sisimulan ni Jeff Hornacek ang kanyang head-coaching debut para sa New York, habang ito naman ang magiging unang regular-season opener ni Tyronn Lue para sa Cleveland matapos mahirang bilang head coach noong Enero at iginiya ang Cavaliers sa una nilang NBA title sa franchise history.

Bubuksan ni four-time Kia NBA MVP LeBron James ng Cleveland ang season at kailangang umiskor ng 114 points para lampasan si Hakeem Olajuwon sa 10th place sa NBA’s all-time scoring list.

Utah versus Portland -- Itatampok ng Trail Blazers, nagtala ng NBA-record na 15 sunod na regular-season home openers, ang best backcourts sa liga sa katauhan nina two-time All-Star Damian Lillard at 2015-16 Kia NBA Most Improved Player CJ McCollum.

Inihatid ng dalawang guards ang Portland sa kanilang ikatlong sunod na playoff appearance noong nakaraang season.

Idinagdag naman ng Jazz, hangad makapasok sa playoffs sa unang pagkakataon matapos noong 2012, sina veterans Boris Diaw, George Hill at Joe Johnson nitong offseason.

Hindi naman makakalaro si Gordon Hayward, nagtala ng average na team-high 19.7 points para sa Utah sa nakaraang season dahil sa kanyang injury sa daliri.

San Antonio versus Golden State -- Gagawin ni Kevin Durant ang kanyang debut para sa Warriors, pinapirma ang four-time scoring champion at 2013-14 Kia NBA MVP matapos ang league-record na 73-9 season at pagkatalo sa Cleveland sa NBA Finals 2016.

Makakasama ni Durant sina two-time reigning Kia NBA MVP Stephen Curry at All-Stars Draymond Green at Klay Thompson para ibigay sa Golden State ang matinding opensa.

Ipaparada naman ng Spurs si six-time All-Star Pau Gasol bilang kapalit ni NBA legend Tim Duncan, nag-retiro matapos ang 19 seasons sa San Antonio.

Si Spurs coach Gregg Popovich ay may 17-2 record sa regular-season openers.

CLEVELAND
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with