^

PM Sports

Morales iniangat ng Stravinsky

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbunga ang hirap at pagod ng connections ng Stravinsky matapos ang impresibong panalo sa PCSO Special Maiden race sa Sta. Ana Race Park kamakailan.

Tinalo ng third favorite na Stravinsky ang apat pang 2-year-olds na kabayo para ilagay ang sarili na isa sa juveniles na dapat bantayan nga-yong racing season.

Sakay ng beteranong jockey na si Jonathan Hernandez, iniwan ng Stravinsky ang mga kalaban papasok sa huling 150 metro ng 1200-meter event para sa top prize na P600,000.

Ang kabayong anak ng Dream Romance  sa Ultimate Goal ay nagtala ng tiyempong 1 minute and 15 seconds na may quarter times na 24, 23 at 27 at tumapos na may ilang dipang layo sa Street Sign (Apoy Asuncion) at third placer na Kid Solis (C. Henson)

“It (the victory) was the product of good teamwork among the people in my stable,” sabi ng lawyer-businessman na si Narciso O. Morales, na ngayon ay mayroon nang tatlong PCSO Maiden race winners sapul noong nakaraang taon.

Sa nakaraang racing season, ang Spectrum at Hot Dog ay nanalo para maging runaway winner si Morales sa hanay ng mga horseowners.

Sinanay ng trainer na si Atoy Sordan sa ilalim ng breeder na si Tony Tan, Jr., nilampasan ng Stravinsky, ang Foolish Princess, Street Sign, Kid Solis at second pick Magic Wallet  at iniwan ang mga ito.

Bago lumapit sa fi-nish line ay malayo na ito sa mga kalaban bagama’t hindi gaanong hinahagupit ni Hernandez.

Ayon sa Philracom, ang Morales ay mayroon nang 110 wins, 136 runnerup, 122 third at 122 fourth-place finishes sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo, malayo sa  pumapangalawang SC Stockfarm (41-26-14-15) at pangatlong Stony Road Horse farm (29-29-25-17).

Sa hanay ng mga jockeys, nanatiling na-ngunguna si  Jesse Guce sa kanyang 101 wins kasunod si Hernandez na may 82 at Mark Alvarez na may 59.

Ang Low Profile ang nangunguna sa mga kabayo sa nakolektang P4,271,717 winnings sa sunud-sunod na panalo tampok ang PCSO Silver Cup noong June.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with