^

PM Sports

SSC volleybelles nakahirit ng winner-take-all match

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakahirit ang San Sebastian College  ng deciding Game Three matapos ang 25-22, 25-19, 26-28, 25-23 panalo laban sa  College of Saint Benilde sa Game Two ng National Collegiate Athletic Association Season 91 women’s volleyball finals sa The Arena sa San Juan City.

Nakakuha ng inspiras-yon si Grethcel Soltones sa kaniyang ina na personal pang nanood  para kumamada ito ng  31 puntos upang bitbitin ang Lady Stags sa panalo.

Sa pagkakataong ito, nakakuha ng sapat na suporta si Soltones mula kina Joyce Sta. Rita at Katherine Villegas na nagdagdag ng pinagsamang 18 puntos.

Nakatakda ang do-or-die game sa Biyernes sa alas-3:30 ng hapon sa parehong venue.

Nauna nang nagwagi ang Lady Blazers sa Game 1 (24-26, 25-21, 25-19, 25-13) at Game 2 (25-23, 21-25, 25-22, 25-16).

Naibulsa naman ni Soltones ang season MVP at Best Scorer awards.

Sa men’s division, hinubaran ng University of Perpetual Help System Dalta ng korona ang Emilio Aguinaldo College sa bisa ng pukpukang 25-22, 23-25, 29-27, 22-25, 17-15 panalo sa Game 3 upang masikwat ang kanilang ika-11 korona sa liga.

ANG

BEST SCORER

COLLEGE OF SAINT BENILDE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

GAME THREE

GAME TWO

GRETHCEL SOLTONES

JOYCE STA

KATHERINE VILLEGAS

LADY BLAZERS

LADY STAGS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user