3 kabataan, bulagta sa TF Disiplina ng Quezon City
MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang tatlong kabataan na kinabibilangan ng isang menor-de-edad nang pagbabarilin sila ay pagbabarilin ng isang miyembro ng Task Force Disiplina na nanita sa kanila, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Ang mga nasawing biktima ay sina Renz Dave Suarez, 19, out of school youth; Lheedon Aldacan,18, Grade 12 student; at isang menor-de-edad na pawang mga residente ng Barangay Batasan Hills, Quezon City.
Agad nasakote ng mga otoridad sa follow-up operation ang suspek na si alyas “Vince,” 28.
Sa inisyal na ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit-Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bago nangyari ang insidente, alas-2:00 ng madaling araw sa Senatorial St., kanto ng Batasan-San Mateo Road, Brgy. Batasan Hills, Quezon City ay nakatayo ang mga biktima kasama nang madaanan ng suspek na sakay ng namotorsiklo at nasa impluwensiya ng alak.
Sinita ng suspek ang mga biktima at isa sa mga biktima ang umano’y sumagot ng pabalang na ikinagalit nito.
Inilabas ng suspek ang kanyang baril at itinutok sa mga biktima kaya nagtakbuhan ang mga ito.
Sinundan ng suspek ang mga biktima hanggang sa makorner sa isang eskinita sa Senatorial kanto ng Batasan-San Mateo Road at doon na pinagbabaril.
Agad na tumakas ang suspek at sa follow up operation ay nasakote ang suspek at nakumpiska sa kanya ang isang Honda ADV 160 motorcycle, red, bearing Plate No. 153XLH at .38-caliber revolver.Nahaharap ang suspek sa kasong murder.
- Latest




















