Silva lalabanan si Bisping sa Pebrero 27
Russell Cadayona (Pang-masa) - December 25, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Magbabalik sa aksyon si UFC superstar Anderson Silva sa Pebrero 27, 2016 makaraang tapusin ang kanyang one-year suspension para sa pagga­mit ng steroid.

Ito ang inihayag kahapon ni UFC president Da­na White kaugnay sa 40-anyos na dating middleweight champion na haharap kay Michael Bisping sa O2 Arena sa London.

Ang laban nina Silva at Bisping ay ipapalabas lamang sa Fight Pass, ang digital subscription service ng UFC.

Nagdomina si Silva (33-6) sa 185-pound division ng halos pitong taon bago natalo ng dalawang beses noong 2013 kay Chris Weidman.

Sa kanilang rematch ay nabalian ng binti ang Brazilian na si Silva.

Nagbalik si Silva noong Enero 31, 2015 para sa kanyang decision victory kay Nick Diaz sa UFC 183, ngunit sinuspinde siya ng Nevada Athletic Com­mission matapos maging positibo sa pagga­mit ng steroid.

ACIRC ANDERSON SILVA ANG BISPING CHRIS WEIDMAN ENERO FIGHT PASS ITO MICHAEL BISPING NEVADA ATHLETIC COM NICK DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with