Legendary coach Ron Jacobs pumanaw na
RCadayona (Pang-masa) - December 25, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Pumanaw na si American legendary coach Ron Jacobs ilang oras bago su­mapit ang Pasko sa isang ospital sa Makati City.

Siya ay 72-anyos at mag­diriwang sana ng kanyang kaarawan bukas.

Matapos magkaroon ng stroke noong 2002 ha­bang inihahanda ang Phi­lippine team para sa pagsabak sa Asian Games sa Busan, South Korea ay naratay na sa kama si Jacobs.

Naging head coach si Jacobs ng Philippine team simula noong 1981 hanggang 1986 kung saan niya nahawakan sina Allan Caidic, Samboy Lim, Hector Calma at sina na­turalized players Chip En­gelland, Jeff Moore at Dennis Still.

Tinulungan niya ang NCC sa paghahari noong 1981 Jones Cup bago ta­lu­nin ang China sa finals sa sumunod na taon na idi­naos sa Smart Araneta Co­liseum.

ACIRC ALLAN CAIDIC ASIAN GAMES CHIP EN DENNIS STILL HECTOR CALMA JEFF MOORE JONES CUP MAKATI CITY RON JACOBS SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with