Biseng Bise masusukatan
(Pang-masa) - December 17, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Tila magiging isang mini stakes race ang la­banan sa isang class division.

Para na kasi itong im­ported versus local chal­lenge race na pa­ka­rera ng Philippine Racing Commission at mangyayari ito sa ika-li­mang karera ngayong gabi sa San Lazaro Leisure Park.

Ang locally bred horse na Biseng Bise na pag-aari ni Maca Asi­s­tio III ay gagabayan ni Mark A. Alvarez.

Ang mga kalaban ng Biseng Bise ay imported runners mula Australia at magtatagisan sa 1,300 metro distansiyang ka­rera.

Ang mga tatakbo ay ang Irish Toffee (R.M. Ubaldo), Caramel (C.J. Reyes), Settle (R.G. Fer­nandez), Saloon Si­nger (C.V. Garganta), Eu­genie (J.A. Guce), Our Angel’s Dream (C.P. Henson) at Gold Tri­bute (J.D. Juco).

Napipisil ng mga ti­yempista ang Biseng Bi­se, habang ang ipina­lalagay na pinakamahig­pit na kalaban ay ang Eu­genie.

May panama rin ang Our Angel’s Dream at ang Saloon Singer.

Naglagay rin ng pa­ka­rera ang Philracom at MJCI na isang special race-18.

Ang mga kalahok ay ang Primetime (L.F. De Jesus), Chikks To Chi­kks (L.D. Balboa), Li­may (R.C. Tanagon), Lovely Ycee (E.P. Nahi­lat), A Rose For Mary (J.D. Flores) at Touch Ma­gic (R.M. Ubaldo).

Inaasahang magba­ba­likatan ang Primetime at Chikks To Chikks.

Samantala, nailabas na ang mga kalahok sa gaganaping 2015 Philracom Chairman Cup bilang pakarera sa da­ting chairman na si Angel Lopez Castano, Jr. at sa 1,600 meters ang labanan.

A ROSE FOR MARY ACIRC ANG ANGEL LOPEZ CASTANO BISENG BI BISENG BISE CHIKKS TO CHI CHIKKS TO CHIKKS DE JESUS OUR ANGEL SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with