^

PM Sports

Alaska swak sa quarters

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagpasabog si small for­ward Sean Anthony ng 14 sa kanyang 21 points sa fourth quarter para ma­kabangon ang NLEX mu­la sa 20-point deficit sa third period.

Sa gitna nito ay hindi tu­mawag ng timeout si coach Alex Comp­ton para sa Alaska.

“I wasn’t really happy with our decisions in the fourth, and I could’ve ta­ken timeouts at different times to stop the bleeding, but I really want our guys to learn on the fly and grow,” ani Compton.

Sinandigan ng Aces si­na Dondon Hontiveros, JVee Casio, Cyrus Baguio  at Sonny Thoss sa huling limang minuto ng final can­to para talunin ang Road Warriors, 89-81, at sik­watin ang unang quarterfinals seat sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tumapos si Thoss na may 16 points para sa ikatlong sunod na panalo ng Alaska kasunod ang tig-11 markers nina Vic Ma­nuel at Rome Dela Ro­sa, habang napigilan ang two-game winning roll ng NLEX.

Mula sa 42-31 benta­he sa halftime ay kinuha ng Aces ang 20-point advantage, 64-44, mula sa jumper ni Casio sa 3:11 mi­nuto ng third quarter.

Nakipagtulungan naman si Anthony kina Jonas Villanueva at Rico Vil­lanueva sa fourth period para idikit ang Road Warriors sa 81-87 sa hu­ling 1:07 minuto.

Sinelyuhan ni Thoss ang panalo ng Alaska nang ikonekta ang dalawang free throws sa natitirang 19.5 segundo.

ALASKA 89 - Thoss 16, Dela Rosa 11, Manuel 11, Abueva 10, Menk 9, Banchero 6, Casio 5, Hontiveros 5, Baguio 4, Dela Cruz 4, Exciminiano 3, Jazul 3, Racal 2, Baclao 0.

NLEX 81 - Anthony 21, Villanueva E. 12, Taulava 10, Alas 9, Villanueva J. 9, Enciso 5, Reyes 5, Camson 4, Khobuntin 4, Cardona 2, Lanete 0, Arboleda 0, Apinan 0, Borboran 0.

Quarterscores: 23-15; 42-31; 68-51; 89-81.

ACIRC

ALEX COMP

ANG

CASIO

CYRUS BAGUIO

DELA CRUZ

DELA ROSA

DONDON HONTIVEROS

ROAD WARRIORS

SHY

THOSS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with