^

PM Sports

IEM, Sta. Elena iwas laglag

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isa sa IEM Volley Masters at Sta. Elena Wrecking Ball ang mamamaalam matapos ang Spikers’ Turf Reinforced Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang dalawang koponan sa ganap na ika-3 ng hapon at ang magwawagi ay may katiting pang tsansa na lumaban sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

May 1-3 ang Sta. Elena habang ang IEM ay hindi pa nakakatikim ng panalo matapos ang tatlong laro kaya’t makakaasa na magiging palaban ang mga manlalaro ng magkabilang  koponan para makuha ang panalo.

Ang Cignal HD Spikers at Navy Sailors ang magkikita sa ikalawang laro dakong alas-5 ng hapon at ang huli ang nangangailangan ng panalo para tumibay ang pag-asinta ng puwesto sa semifinals.

May 1-2 karta lamang ang Navy at lalo silang malalagay sa alanganin kung lalasap ng ikatlong pagkatalo.

Pasok na sa semifinals ang Cignal sa 3-1 karta pero ayaw nilang tapusin ang kampanya  sa elimination round sa pamamagitan ng isang talo kaya’t asahan na ilalabas pa rin ng HD Spikers ang mabangis na laro para makuha ang tagumpay.

Ang Air Force Airmen ang unang umabante sa semifinals bitbit ang 4-0 karta.

ANG

ANG AIR FORCE AIRMEN

ANG CIGNAL

CIGNAL

ELENA WRECKING BALL

HOME ULTERA

NAVY SAILORS

SAN JUAN CITY

SPORTS VISION

TURF REINFORCED CONFERENCE

VOLLEY MASTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with