^

Biado runner-up kay Ko Pin Yi

(Pang-masa) - February 22, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nakuntento si Carlo Biado sa pangalawang puwesto matapos malasap ang 9-11 pagkatalo kay  Ko Pin Yi ng Chinese Taipei sa World 10-Ball Championships na nagtapos kahapon sa SM City Mall sa General Santos City.

Maagang lumayo si Ko, 9-2  pero pinakaba siya ng maglalaro ng Bugsy Promotion na si Biado nang dumikit sa isang race, 9-8 pero hindi nagawang makumpleto ng 31-anyos ang pagbangon para mabigong bigyan ng karangalan ang bansa sa kompetisyong itinaguyod ng Pambansang Kamao  na si Manny Pacquiao.

Hindi man pinalad, ito pa rin ang pinakamagandang paglalaro ni Biado sa isang World Championship dahil pumangatlo lamang siya sa 2011 World 10-ball at sa 2013 World 9-ball Championship.

Bago ito ay tinalo muna ni Biado sina Liu Haitao ng China, 11-7 sa quarterfinals at David Alcaide ng Spain, 11-2 sa semifinals habang si Ko na naibulsa rin ang $40,000.00 premyo, ay nanaig sa mga kababa-yang sina Yang Ching-Shun (11-7) at nakababatang kapatid na si Ko Ping Chung (11-2).

Sina Derby City 9-ball champion Warren Kiamco at Johann Chua ay umabot din sa quarters pero minalas kina Ko Ping Chung, 1-11 at Alcaide, 9-11.

 

BALL CHAMPIONSHIPS BIADO BUGSY PROMOTION CARLO BIADO CHINESE TAIPEI CITY MALL DAVID ALCAIDE GENERAL SANTOS CITY JOHANN CHUA KO PIN YI KO PING CHUNG
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with