Grizzlies kinabog ang Thunder
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - November 9, 2014 - 12:00am

OKLAHOMA CITY – Sinamantala ang pag-upo nina injured stars Ke­vin Durant at Russell Westbrook, tinalo ng Memphis Grizzlies ang Ok­lahoma City Thunder, 91-89, para sa kanilang ika­anim na sunod na pa­na­lo.

Naimintis ni Serge Ibaka ang isa sanang game-winning 3-pointer sa pagtunog ng final buz­zer para sa huling poses­yon ng Thunder.

Bagama’t wala sina Du­rant at Westbrook, inasahan na ng Grizzlies ang matinding laban.

“It’s just the OKC-Memphis rivalry,” sabi ni guard Mike Conley, pina­mu­nuan ang Grizz­lies mula sa kanyang 20 points.

Ang tres ni Conley sa huling 38.3 segundo ang nagbigay ng bentahe sa Memphis patungo sa pag­lusot sa Oklahoma City.

Nagkaroon ng pagka­kataon ang Thunder na ma­agaw ang unahan su­balit natawagan sila ng five-second violation sa na­titirang 5.9 segundo.

Binigyan ng foul ng Oklahoma City si Memphis’ guard Courtney Lee na tumipa ng isang free throw sa huling 2.4 segundo.

Naglista si Lee ng 17 points kasunod ang 16 ni Zach Randolph para sa Grizzlies.

Gumawa si Reg­gie Jackson ng 22 points, 8 assists at 7 rebounds, habang si Jeremy Lamb ay nagdagdag ng 17 points kasunod ang 16 ni Ibaka at 13 ni Steven Adams sa panig ng Thunder.

Sa Charlotte, sa nalala­bing 2.7 segundo sa ikala­wang overtime at tabla ang laro, ipinasa ni Lance Ste­phenson ang inbound kay Marvin Williams.

Ibinalik ni Williams ang bola kay Stephenson na tumirada ng 33-foot jumper sa pagtunog ng fi­nal buzzer para itakas ang Hornets kontra sa Atlanta Hawks, 122-119.

Ipinagdiwang ni Stephenson, naglaro sa loob ng 47 minuto, ang panalo sa pamamagitan ng pag­lundag sa scorer’s table at tinambol ang kanyang dibdib.

Isinumite ni Stephenson ang kanyang unang double-double para sa Hornets mula sa 17 points at 13 rebounds niya.

ATLANTA HAWKS CITY THUNDER COURTNEY LEE JEREMY LAMB LANCE STE MARVIN WILLIAMS OKLAHOMA CITY SHY STEPHENSON
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with