^

PM Sports

Gilas U18 diretso sa 2nd round

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinuwerte ang Batang Gilas sa draw para sa FIBA-Asia Under-18 Championship dahil awtomatiko silang pasok na sa second round bago pa man magsimula ang aksiyon sa Doha, Qatar.

Napabilang ang mga Pinoy sa Group B kasama ang matitinik na South Koreans at Jordanians at dahil tatlong team lamang sila sa grupo ay awtomatikong pasok na sila sa susunod na round habang ang ibang grupo ay dadaan pa sa elimination dahil may tig-apat na team na kasama.

Ang  China, India, Malaysia at host Qatar ay nasa Group A, ang Bahrain, Iran, Kazakhstan at Kuwait ang nasa Group C habang nasa Group D ang Hong Kong, Iraq, Japan at Chinese Taipei.

Kasama na ngayon ni coach Jamike Jarin pati na sina Jose Go IV ng Ateneo at Andres Paul Desiderio ng UP ang team ilang araw matapos kumampanya sa nakaraang FIBA Under-17 World Championship sa Dubai.

Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Norman Aaron Black ng Ateneo, Dave Wilson Yu, Manuel Isidro Mosqueda III at Mark Anthony Dyke ng National U, Richard Escoto at Brandrey Bienes ng Far Eastern U, Joshua Andrei Caracut at Ranbill Tongco ng San Beda, Leonard Santillan ng University of Visayas at Kobe Paras ng LA Cathedral.

Ang pinakamataas na player ng team ay ang 6’7 na si Paras, anak ng dating PBA rookie MVP Benjie Paras na nag-aaral sa US sa pagbabakasakali sa  US NCAA Division I school habang nadiskubre naman ang 6’5 na si Santillan sa Cebu.

Naka-bye ang Batang Gilas sa opening ngayon bago harapin ang Jordan bukas sa alas-2:00 ng hapon (Phl time).

vuukle comment

ANDRES PAUL DESIDERIO

ASIA UNDER

ATENEO

BATANG GILAS

BENJIE PARAS

BRANDREY BIENES

CHINESE TAIPEI

DAVE WILSON YU

DIVISION I

FAR EASTERN U

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with