^

PM Sports

Lady Troopers gustong sumosyo sa Turbo Boosters

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Plano ng Army Lady Troopers na saluhan ang PLDT Home Telpad Turbo Boosters habang solo sa ikaapat na puwesto ang paglalabanan ng National University Bulldogs at Air Force Air Spikers sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Galing sa paglasap ng unang pagkatalo ang Lady Troopers sa kamay ng nagdedepensang kampeong Cagayan Valley Lady Rising Suns kaya inaasahang magpupursigi ang nasabing koponan para makabangon laban sa Lady Eagles sa tampok na laro dakong alas-4 ng hapon.

Papasok naman ang Lady Eagles mula sa four-sets na pagkatalo sa Lady Bulldogs sa huling asignatura at kailangang manumbalik ang tikas ng koponan para gumanda ang record papasok sa quarterfinals sa ligang inorganisa at handog ng Shakey’s bukod sa ayuda ng Accel at Mikasa.

Si Alyssa Valdez na gumawa ng 26 puntos sa huling laro ang ma-ngunguna sa Ateneo pero dapat na makitaan din ng sigla ng laro sina Michelle Morente, Julia Morada at Amy Ahomiro na nagtulong lang sa 14 puntos.

Magtutulong naman sina Jovelyn Gonzaga, Rachel Ann Daquis, Nerissa Bautista at Tina Salak para wakasan ang kampanya sa elims bitbit ang 6-1 baraha tulad ng Turbo Boosters.

Ikaapat na panalo sa pitong laro ang makukuha ng magwawagi sa pagitan ng Air Spikers at Lady Bulldogs sa unang laro sa ganap na ika-2 ng hapon.

Mas beterano ang manlalaro ng Air Force pero talunan sila sa kanilang huling dalawang laro.

Sa kabilang banda, ang tropang pinamumunuan ni 6’4” Jaja Santiago ay sasandal sa momentum mula sa panalo sa huling laro para magkaroon ng winning record papasok sa susunod na round.

vuukle comment

AIR FORCE

AIR FORCE AIR SPIKERS

AIR SPIKERS

AMY AHOMIRO

ARMY LADY TROOPERS

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

HOME TELPAD TURBO BOOSTERS

JAJA SANTIAGO

LADY BULLDOGS

LADY EAGLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with