^

PM Sports

PLDT spikers inatake ang NU

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagdomina ang mga spikers ng PLDT Home Telpad Turbo Boosters sa mga katapat sa National University Lady Bulldogs para masabayan ang impresibong panalo ng Army-Lady Troopers sa PNP Lady Patrollers sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Sina Suzanne Roces at Gretchel Soltones ay nagkaroon ng 17 at 13 attacks para pangunahan ang Turbo Boosters sa 56-48 kalamangan na nagpatatag sa 25-16, 25-23, 24-26, 25-19, panalo sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s.

Sa ikatlong set lang nagkaroon ng problema ang PLDT pero agad nilang naibalik ang tikas sa fourth set para manatiling nasa ikalawang puwesto sa walong koponang liga na may ayuda pa ng Accel at Mikasa sa 5-1 baraha.

Sina Jaja Santiago, Myla Pablo at Jorelle Singh ay naghatid ng 16, 14 at 11 puntos para sa Lady Bulldogs na na-nguna sa blocks, 9-7, pero meron ding 31 errors para bumaba sa ikaanim na puwesto bitbit ang 2-3 karta.

May 15 kills tungo sa 16 puntos si Nerissa Bautista habang si Christine Agno ay may 12 digs para pangunahan ang Lady Troopers sa 25-16, 25-22, 25-22, straight sets tagumpay sa Lady Patrollers  sa ikalawang laro.

Sina Ginie Sabas ay may 11 kills at isang block habang may 10 puntos si Mary Jane Balse para sa Army na kailangan na lamang na maipanalo ang huling dalawang laro para ma-sweep ang elimination round. (AT)

vuukle comment

ARMY-LADY TROOPERS

CHRISTINE AGNO

GRETCHEL SOLTONES

HOME TELPAD TURBO BOOSTERS

JORELLE SINGH

LADY BULLDOGS

LADY PATROLLERS

LADY TROOPERS

MARY JANE BALSE

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with