^

PM Sports

Patuloy ang ratsada ng Big Chill, NLEX

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lumawig pa ang pagpapanalo ng Big Chill at NLEX Road Warriors habang kuminang uli ang laro ng Jumbo Plastic nang kanilang tambakan ang mga nakatapat sa PBA D-League Aspirant’s Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tig-14 puntos ang ginawa nina Janus Lozada at Jeckster Apinan habang ang mga malalaking tao na sina Reil Cervantes at Rodney Brondia ay nagsanib sa 22 puntos para sa Superchargers na kumunekta sa 9-of-18 sa first period tungo sa 75-56 panalo sa Derulo Accelero.

Dahil sa 50-percent shooting ay hinawakan ng  Superchargers ang 23-10 kalamangan sa unang yugto at mula rito ay hindi na nilingon pa ng bataan ni coach Robert Sison ang kalaban para maisulong ang pinakamagandang panimula ng prangkisa sa liga sa 5-0.

“Gusto ko ang attitude ng mga players. Hindi kami puwedeng magpabaya dahil every game counts,” wika ni Big Chill coach Robert Sison.

May double-double output sina Mark Jeffries (19 points at 11 rebounds) at Raul Soyud (16 points at 19 boards) pero kinulang pa rin sila ng suporta para bumaba pa sa 0-5 ang Oilers.

Ginamit naman ng Giants ang kanilang matibay na depensa sa second period para katampukan ang 81-55 tagumpay sa Arellano University.

Walong puntos lamang ang ginawa ng Chiefs dahil sa walang humpay na full-court press para itala ng Giants ang 42-23 halftime lead.

Nag-init naman ang Road Warriors sa ikalawang yugto para kunin ang pangalawang sunod na tagumpay sa 84-71 pananaig sa NU-Banco de Oro sa ikatlong laro.

Balanseng pag-atake uli ang nakita sa tropa ni coach Boyet Fernandez nang 13 sa 14 na manlalarong ginamit ang pumuntos.

Sa second quarter ay gumawa ang NLEX ng 11-of-19 puntos para ma-outscore ang Bulldogs, 27-14, upang hawakan ang 10 puntos na kalamangan, 43-33.

Sina Jake Pascual at Garvo Lanete ay gumawa ng 11 at 10 puntos para sa Road Warriors na itinulak ang Bulldogs sa ikalimang pagkatalo.

 

ARELLANO UNIVERSITY

BIG CHILL

BOYET FERNANDEZ

D-LEAGUE ASPIRANT

DERULO ACCELERO

GARVO LANETE

JANUS LOZADA

PARA

ROAD WARRIORS

ROBERT SISON

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with