Knicks nakuha si World Peace
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - July 17, 2013 - 12:00am

NEW YORK -- Nakipagkita si World Peace, kasama ang kanyang mga agents na sina Marc Cornstein at Peter Cornell, kina Knicks general manager Glen Grunwald at coach Mike Woodson noong Lunes sa Las Vegas at naplantsa ang isang kasunduan, sabi ng league sources.

 Isinailalim ng Los Angeles Lakers si World Peace sa isang amnesty process noong nakaraang linggo.

Walang kumuhang koponan sa kanya sa amnesty waiver process at naging isang free agent noong Linggo ng gabi.

Lumaki si World Peace – ang dating Ron Artest – sa Queensbridge section sa New York at naglaro sa St. John’s University.

Kailangan pang bayaran ng Lakers si World Peace ng $7.7 milyon sa natitira nitong kontrata para sa 2013-14 season ngunit hindi ito mapapabilang sa sa-lary cap ng koponan.

Naglista si World Peace ng mga averages na 12.4 points, 5.0 rebounds at 1.6 steals sa 75 games noong nakaraang season.

Ang Knicks ang magiging pang-anim na koponang lalaruan ni World Peace sa 15 seasons.

ANG KNICKS GLEN GRUNWALD LAS VEGAS LOS ANGELES LAKERS MARC CORNSTEIN MIKE WOODSON NEW YORK PETER CORNELL RON ARTEST ST. JOHN WORLD PEACE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with