^

PM Sports

Manny inobserbahan ni Roach

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Gusto muna ni chief trainer Freddie Roach na makapagpapawis si Manny Pac­­quiao bago simulan ang kanilang spar­ring session.

Binuksan kahapon nina Pacquiao at Roach ang  kanilang training camp sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, Ca­­lifornia.

Nagbabad si Pacquiao sa shadow bo­­xing, skipping rope, punch mitts, speed ball at heavy bag.

Bago ito ay ipinag-utos muna ni Roach ang pagpapasara ng kanyang Wild Card Gym sa mga fans ng Filipi­no boxing superstar.

Pinahigpit din ang seguridad laban sa mga gustong kumuha ng litrato ni Pac­quiao habang nag-eensayo.

Determinado si Roach na ibalik si Pac­quiao sa dati nitong porma noong 25-anyos pa lamang ang Filipino world eight-division champion at taglay ang bi­lis at lakas.

Ayon kay Roach, magbabalik ang pag­hanga ng mga fans at boxing experts kay ‘Pacman’ kung mapapabagsak nito si Juan Manuel Marquez sa kanilang pang apat na paghaharap sa Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sa kanyang pagsabak sa sparring ses­sion ay makakasabayan ng Saranga­ni Congressman sina American Ray Bel­tran, Russian boxer Ruslan Provodnikov at welterweight Frankie Gomez.

Dalawang linggong nagpakondisyon si Pacquiao sa kanyang boxing gym sa Ge­neral Santos City katulong si Filipi­no assistant trainer Buboy Fernandez ba­go bumiyahe sa United States noong Sa­bado.

Magtutuos sina Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) at Marquez (54-6-0, 39 KOs) sa isang non-title welterweight fight.

Nakataya naman sa mananalo sa Pac­quiao-Marquez IV ang isang espes­yal na WBO ‘Champion of the Decade’ cham­pionship belt.

AMERICAN RAY BEL

BUBOY FERNANDEZ

CHAMPION OF THE DECADE

FILIPI

FRANKIE GOMEZ

FREDDIE ROACH

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with