Zombie Family (355)
“So naniniwala kayo na instead of killing and eating people … itong lalaking flying zombie ay kakampi natin?”
“Obviously!”
“Sana bumalik siya para mapasalamatan man lang namin.”
“At sana makausap natin siya. Siguradong marami tayong malalaman. Kung bakit siya nagkaganoon. Kung sino ang gumawa sa kanya na flying zombie. Kung lalabanan ba niya ang masamang flying zombie na babae na napakarami nang napatay.”
“Pero nahuli na ang dangerous na flying zombie na babae.”
“Oo nga ho. Pero paano kung makatakas? Sana, pag nakatakas ‘yung babaing flying zombie, mapatay siya nitong mabait na lalaking flying zombie.”
BUMABABA naman ang pag-asa ni Leilani na makakatakas pa siya.
“High tech na high tech na ang military sa pagdi-detain sa akin. Pinaghandaan nila ito. Ang worry ko, papatayin kaya nila ako? Kailan?”
Pati pagkain niya, makabagong proseso rin. Medically. Ginagamitan siya ng IV. Liquid ang pinapakain sa kanya, lasang gamot.
Galit na galit si Leilani.
Pero wala siyang magawa.
Hindi siya namamatay dahil may pumapasok na mga nutrients sa kanyang katawan.
Pero nagugutom siya.
Ng mga kinakain ng zombies.
Laman. Dugo. Lamang-loob. Ulo. Bao.
Ng mga tao.
Isang pahirap sa kanya ang pagkakagutom. Marunong matakam pero kontrolado siya para walang mabibiktimang tao.
Halos oras-oras ay isinisigaw niya sa sarili na magbabayad ang lahat na nagpapahirap ngayon sa kanya.
Uunti-untiin niya ang pagkain. Pahihirapan niya. Ang pinakamasakit sa lahat na mga sakit, ang mararanasan ng mga kalaban niya.
Bigla namang naisip si Nikolai.
“Nasaan na kaya siya? Galit ako sa kanya pero mahal ko pa rin siya. Determinado pa rin akong makuha siya para kaming dalawa na ang magsama. Palagay ko, kaya niya akong patawarin. Sumpong lang ‘yung pagwawala ko kanina. Siya naman kasi, e. Ginalit niya ako so pumangit tuloy uli ako. Naging butas-butas at nabubulok na zombie na naman. But I know, magkakatuluyan kaming dalawa!
Itutuloy
- Latest