Salted egg shrimp
BURP - Koko (Pang-masa) - February 17, 2020 - 12:00am

Tiyak na mapaparami ng kanin ang sinumang makakatikim ng recipe na ituturo namin sa inyo, ang salted egg shrimp.

Simple lamang ang ingredients sa Singapore-style shrimp na ito:

Isang kilo ng hipon

Apat na itlog na maalat (egg yolk lamang ang gagamitin)

1 cup evaporated milk

Patis

Paminta

Onion leeks

Butter

Maraming bawang

Paraan ng pagluluto:

Igisa ang bawang sa butter hanggang mag-golden brown.

Isunod na ilagay ang hipon hanggang sa magbago ito ng kulay. Pagkatapos maluto ay itabi muna ito sa isang lagayan.

Sa parehong lutuan, maglagay ulit ng butter, bawang at lutuin ng hanggang dalawang minuto.

Ilagay ang evaporated milk at egg yolk ng itlog maalat.

Lutuin hanggang sa mag-combine ang mga ingredient at saka ibalik ang hipon.

Kapag kumulo na, lagyan ng kaunting patis at paminta.

Lagyan ito ng ­onion leeks at i-partner sa mainit na kanin. Burp!

SALTED EGG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with