Ano ang Kapalaran mo sa 2020?
SINUSUWERTE KA! - Fortuna (Pang-masa) - December 28, 2019 - 12:00am

Part 5

Dragon

Career Forecast: Magiging kahanga-hanga ang kanyang performance sa trabaho na magreresulta sa promotion at salary increase. Ngunit pinapaalalahanan ang mga lalaking Dragon na umiwas sa mga babaeng kasama sa trabaho na may asawa na o kasintahan dahil dulot lang nito ay gulo o eskandalo.

Wealth Forecast: Magkakaroon ng steady income lalo na sa mga may business na may kinalaman sa Marketing, Catering at Hardware industry. May chance na yumaman gamit ang natatagong talento.

Love and Relationship Forecast: Hindi kagandahan ang kapalaran sa pakikipagrelasyon. Magpapamalas sila ng galing sa workplace at ito ang magiging dahilan para siya mapansin at magiging kaakit-akit sa opposite sex. Mas malaki ang tsansa na mangyari sa babaeng dragon.

Health Forecast: Kailangang pangalaagan ang kanilang gastrointestinal health at mental health. Mainam din na mag-ingat sila sa paggamit ng mga matutulis na bagay at mga appliances/kagamitan sa bahay na gawa sa metal na maaaring maging dahilan ng aksidente.  - Itutuloy

 

 

SALARY INCREASE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with