Koneksiyon ng HIV at AIDS
Ayon sa Joint United Nations Program on HIV and AIDS (UNAIDS),
Ang Pilipinas ang nangungunang bansa sa pinakamabilis na pagdami ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) cases sa buong mundo.
Ayon sa ulat ng UN organization noong Oktubre, nakapagtala sila ng 13,384 bagong kaso ng HIV infections sa pagtatapos ng taong 2018.
Ang bilang na ito ayon sa UNAIDS, ay 203 percent na mataas kumpara sa mga naitalang HIV cases noong 2010 na may 4,419 lamang.
Sa tantya UNAIDS, may 77,000 tao nang may HIV (PLHIV) sa Pilipinas ngunit 62,029 lamang ang na-diagnosed at nai-report.
Para ma-develop ang AIDS, ang isang tao ay may HIV pero hindi nangangahulugang ang taong may HIV ay magkakaroon ng AIDS.
Stages ng HIV.
Stage 1 - acute stage, mga unang linggo pagkatapos ng transmission
Stage 2 - clinical latency, or chronic stage
Habang ibinababa ng HIVC ang CD4 cell count, ang immune system a humihina. Ang na CD4 count ng isang adult ay 500-1,500 per cubic millimeter. Ang taong may count na mas mababa pa sa 200 ay kinokonsiderang may AIDS.
Ang bilis ng HIV progresses sa chronic stage ay depende sa tao. Kung walang treatment, tatagal ito ng isang dekada bago maging AIDS. Kung may treatment, walang nakakaalam kung gaano ito tatagal.
Walang gamot sa HIV pero mako-kontrol ito. Ang mga taong may HIV ay kadalasang halos may normal na lifespan kung maaga itong gagamutin ng antiretroviral therapy.
Walang gamot ang AIDS pero sa pamamagitan ng treatment maaaring tumaas ang CD4. Ang treatment ay nakakatulong din sa opportunistic infections.
- Latest