Pagkain ng isda pangontra sa diabetes
BURP - Koko (Pang-masa) - December 12, 2019 - 12:00am

Isa sa pinakanakamamatay na komplikasyon ng diabetes ang sakit sa puso. Alam niyo ba na nakatutulong ang pagkain ng isda para maiwasan ito? 

Ayon sa Harvard School of Public Health, ang pagkain daw ng isda isang beses sa isang linggo ay maaaring magpababa ng halos 40% chance sa pagkakaroon ng sakit sa puso, kumpara sa mga taong hindi kumakain nito.

Ang fatty acids na matatagpuan sa isda ay tumutulong na maiwasan ang pamamaga na isa sa mga pangunahing nagdudulot ng insulin resistance at diabetes.

Ilan sa mga isdang makatutulong para malabanan ang diabetes ay ang salmon, tuna, mackerel at sardines na pawang sagana sa omega 3 fatty acids.

source: tgp.com.ph

PAGKAIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with