Nanay 69 lahat ng anak!
(Pang-masa) - December 9, 2019 - 12:00am

Kung meron lamang British tabloid noong 18th century, malamang ay palaging nasa front page ang istorya ng pamil­ya ni Feodor Vassilyev. Bakit? Meron lang naman silang 69 na anak ng kanyang asawa na hindi na nalaman ang pangalan.

Ayon sa report ng isang lokal na monasteryo sa gobyerno ng Moscow, Russia, nanganak ang asawa ni Vassilyev ng 16 pares ng kambal, pitong set ng triplets at apat na set ng quadruplets sa 27 na magkakahiwalay na labor sa pagitan ng taong 1725 hanggang 1765.

Ang total na bilang nga ng kanilang mga anak ay 69.

Walang-wala ang mga nababalita ngayong may 16 o 24 na anak.

Samantala, ang mala­king tanong ng marami, totoo nga kayang kayang manganak ng isang babae ng ganito karami?

Napag-alaman namin na kaya pa palang maglabas ng isang babae ng napakara­ming anak higit pa sa inaakala ng lahat.

Ang asawa ni Vassilyev ay pinaniniwalaang may genetic problem, posible raw na nagha-hyper-ovulate ito, isang kondisyon kung saan naglalabas ng maraming itlog sa isang cycle lamang. Dahilan upang maglabas siya ng maraming set ng kambal.

Nabuhay ang nasabing babae hanggang sa edad na 76.

NANAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with