Toxic na Marriage
Maraming paraan ng cleansing diet. Kaya kapag nag-research sa online ay may iba’t ibang ideas ang makukuha na sinasabing malilinis mula liver hanggang acne. Ang importante na ang pag-detox ay magtatagal, ang tanong ay hanggang kailan?
Paano kung sa punto nang pagsasama ng mag-asawa na puwedeng sabihin na marriage detox, ano kaya ang puwedeng maging itsura o kakalabasan nito?
May mga bagay na dapat iwasan na nagsisilbing junk food o toxic sa samahan nina mister at misis. Maaaring bawasan ang oras sa pag-scroll sa social media. Minsan imbes na maaliw sa kaka-view ng ibang account ay naiinggit o pinipintasan ang nakikita. Puwedeng kailangang manghingi na ng tulong sa problema dahil sa panonood ng porn. Baka naman kailangan nang sunugin ang mga romance novels na hindi naman nagbibigay encouragement sa inyong marriage. Puwede rin na bawasan ang pagiging addict sa panonood ng mga Korean series na napupuyat na nawawalan na ng time kay mister at sa mga anak, at iba pang dahilan.
Ang mga nabanggit ay dapat mapalitan ng mga good habits upang malinis ang posibleng rason kung bakit nagiging toxic na ang pagsasama ng mag-asawa na hindi namamalayan.
Kung paano ay conscious na magkaroon ng oras para sa mga cleansing diet, higit sa lahat ay ayusin at magkaroon din ng order sa mag-asawa. Upang maibalik ang tamis at masayang lambingan nina misis at mister kaysa maging toxic.
- Latest