Pampatibay ng kuko
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - July 31, 2019 - 12:00am

Maraming kababaihan at mga beki ang aminadong ‘adik’ sa pag-aalaga ng kanilang kuko. Masasabing malaking impluwen­sya rito ang ilang mga celebrities natin na may sarili nang nail salon tulad nina Kathryn Bernardo, Nadine Lustre, at Liza Soberano. 

Ang iba naman sa atin ay tsaka lamang ina­alagaan ang kanilang mga kuko kapag sila ay nakaranas na ng problema rito. 

Hindi naman kaila­ngang magpunta sa ma­mahaling nail salons dahil abot kamay na ang pagkakaroon ng healthy na kuko sa pamamagitan ng DIY (do it yourself) treatment na ito:

Pinagsamang olive oil at lemon - isa ang olive oil sa pinakaepektibong moisturizer sa ating kuko gaundin sa balat at buhok.

Ang lemon naman ay may taglay na antioxidant at vitamin C na siyang nagporotekta sa ating kuko.

Nakakaalis din ito ng mantsa at nakapagpapatibay ng kuko. Paghaluin lang ang anim na kutsa­rang olive oil at dalawang kutsarang lemon juice. Painitin ito at saka ibabad sa mga kuko ng sampung minuto.

Maaari itong gawin ng hanggang tatlong beses sa isang linggo.

KUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with