Mister Isang Dekada na ang Lihim
(Pang-masa) - February 21, 2019 - 12:00am

Dear Vanezza,

Napanood ko sa Facebook live sa Dubai ang testimony ng isang babae na kinaaaniban din naming church na nagpapasalamat na 10 years  na silang magkasama ng kanyang mister. Laking gulat ko dahil mister ko ang katabi niya. Samantalang 33 years na kaming kasal ng asawa ko hanggang ngayon. Kaya pala bihira lamang siyang magbakasyon dito sa ‘Pinas dahil mayroon na siyang kinakasama sa ibang bansa. Ano po ang dapat kong gawin? – Jane

Dear Jane,

Maaaring makipag-ugnayan sa inyong local church upang makipag-connect sa church sa Dubai para mabigyan ng disiplina ang iyong mister at kanyang kinakasama. I-report din ito sa kanyang opisina para deret­so maibigay sa inyo ang buo niyang suweldo. Huwag patatalo na ipaglaban ang iyong karapatan bilang legal na misis. Kausapin din ang iyong mister sa kanyang maling ginagawa ngayong buking na siya sa kanyang lihim na itinago sa loob ng isang dekada.

Sumasainyo,

Vanezza

FACEBOOK LIVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with