^

Pangalawang anino (37)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado (Pang-masa) - March 22, 2017 - 12:00am

Concern ang na­sa mga mata ni Arturo. Nasaktan ba ang babaing aksidente niyang nabangga at bumagsak na sana sa lupa kung hindi niya ito sinalo? Napakaganda ng babae pero malapit nang maging opisyal na nobya niya si Nanette kaya hindi siya naakit.

Si Yawan naman ay ngayon lamang nakaranas ng matinding atraksiyon sa isang lalaki na kay-amo ng mga mata.

Kung puwede nga lang ba sanang habang-buhay siya nitong hawakan, hindi siya magrereklamo.

Buong puso niyang ipagkakatiwala ang buong katawan sa lalaking ito.

Pero itinayo na siya ng lalaki, magalang itong ngumiti. “I’m sorry. Pero sinikap ko namang huwag kang dumiretso sa matigas na sahig. So are you okay, Miss?

Parang natutulala pa rin ang  babaing may dalawang anino at mapanganib ang pangalawa.

Hindi dahil sa muntik na siyang madapa kundi dahil sa kakisigan ng lalaki. At ahhh, kissable ang mga lips nito at makapangyarihan ang mga mata.

“Miss? Okay ka lang ba?” Magalang pa ring nagtatanong ang lalaki na walang iba kundi si Arturo.

Nahimasmasan si Yawan.

“Ahm, kuwan ... utang ko sa iyo buong buhay ko. Puwede bang magpasalamat sa paraang gusto ko?”

“Uhm, okay lang, huwag ka nang mag-abala pa. Wala naman akong malaking nagawa kundi ang maagapan ka lang na huwag madulas.”

“Puwede akong nadulas at nabagok ang ulo. Mamamatay ako. Kaya may dapat akong bayaran sa iyo na hindi kaya ng salapi. Sana pumayag kang sumama sa akin sa isang batis na wala pang nakakapunta doon dahil doon kita pasasalamatan.” Mala-inosenteng ngiti ang pinakawalan ni Yawan.

May maraming sandali ring napatanga si Arturo. Sobrang ganda ng babaing ito, mas bata pa sa akin ... alam kaya niya ang kanyang ginagawa?

Magalang pa ring sumagot si Arturo, hindi nagpatangay sa isang malinaw na pang-aakit.

“Excuse me, lady. Marami pa akong dapat ibang gawin, salamat sa iyong pang-unawa. Paalam.”

Kinabig bigla ni Yawan si Arturo, pagalit na hinawakan ang lips at hinalikan ito ng buong pagka-agresibo.

Nabigla si Arturo, nagalit sa  ginawa ni Yawan. “Addict ka ba? O baliw?” 

ITUTULOY

 

 

ARTURO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with