Kailangan bang Gastusan ang Valentine’s Date?
(Pang-masa) - February 12, 2017 - 12:00am

* Hala  minsan lang naman ang V-Day.  Tigilan n’yo na ang pagkukuripot ha. Ano ba naman ang tsokolate at bulaklak! Kumpara sa ilang taon na pagki-care naming mga misis sa mga anak pa lang. Lalo na sa mahal naming mister. – Dang, Antipolo

* Gastos lang ‘yan. Nood na lang ng TV tama na ‘yan. Puro na lang love love. Wala na ngang makain puro na lang heart, heart. Puwede bang unahin muna ang renta ng bahay at pagkain.

– Michelle, Bulacan

* Naku nadala na ako sa pabulaklak pa kamo. Wagas pa na“Babes” ang tawag ng mister ko. Mantakin mong nahuli kong may kalandian din sa cell phone niya.  Kahit hindi ako gastusan basta honest lang. Kaya huwag na noh, alam kong may kapalit lang yan chocolate at  flowers ha. – Jocelyn, Cubao

* Type ko pa rin ma­ki­pag-date sa mister ko tuwing Valentine’s Day. Para makapasyal at bonding naman kaming dalawa lang. Malayo sa bahay at sa mga bata. – Susan, Dasmariñas

* Kapag may budget ako ay go kami. Pero kahit wala ay puwedeng gawan ng paraan na bilhan sila tatay at nanay ng inihaw na manok. Masaya na ka­ming salu-salo kasama ang buong pamilya. – Jamel, Las Piñas

V-DAY
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with