^

Para Malibang

Kailangan bang Paluin ang Bata Kapag Dinidisiplina?

ANGAS NG BAE - Pang-masa

• Hindi ko naranasang paluin ng mga magulang ko noong bata ako kahit gaano ako kasutil at kapilyo. At naniniwala akong napalaki naman akong isang mabuti at disiplinadong mamamayan ng nanay at tatay ko. Lagi nila akong kinakausap at ipinaliliwanag ang mga maling bagay sa tama. At hanggang ngayon ay nagpapasalamat ako sa kanila na hindi nila ako pinagbuhatan ng kamay.– Raymart, CDO

• Depende siguro sa kung gaano kailangang idisiplina ang bata. Hindi rin kasi titigil ang isang bata kung hindi nakakatikim ng palo eh. Kung ako ang tatanungin talaga ay wala namang masama sa pagpalo sa bata pero siyempre ‘yung hindi masakit at malalamog ang anak mo. ‘Yung saktong sakit lang at para lang maipakita sa kanyang mali ang kanyang ginawa. – Arnold, Antipolo

• Hindi dapat sinasaktan ang mga bata. Naniniwala ako na ang tamang pagdidisiplina ay hindi nadadaan sa sinturon o kahit anong klase ng pa­nanakit. Maaari pa kasi itong magdulot ng trauma sa bata kung lagi itong napapalo. Puwedeng ma­ging dahilan din ito ng pagiging bayolente ng bata pagtanda. – Chester, Makati

• Naranasan kong ibitin ng patiwarik noon sa puno ng manga namin sa tapat ng bahay minsang may nagawa akong mali. Masasabi kong dahil doon ay naging matino at masunurin na ako sa tatay at nanay ko. Hindi ko na rin naranasan ulit iyon dahil nga mabait na ako. Hindi ko ito gagawin sa anak ko, pero papaluin ko ito ng malakas sa puwet! – Raffy, Ilocos Norte

•‘Di ako sang-ayon sa pagpalo sa mga bata. Isa pa, ang dapat sa pagdisiplina sa kanila ay masinsinang pakikipag-usap dahil nga hindi pa nila alam ang kanilang ginagawa. Dapat din ay hindi sila sinasaktan dahil magkakaroon ito ng malaking epekto sa kanilang personalidad. – Topher, Cebu

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with