Aswang Territory (121)
INIYAKAN nang husto ni Avia at mga ate niya ang pagkamatay ng mga asong walang awang nilapa.
“Mahal namin ang mga aso namin, Armani! Kawawa naman sila! Bakit sila dinamay? Mababait ang mga ‘yan kahit mga aswang din sila!”
“Avia, alam ko kahit mga aso lang ang mga ‘yan … napakamahalaga pa rin ng buhay nila.”
“Pero nakakabahala ito … ibig bang sabihin, may mga kalaban kaming aswang na nakakapamili ng oras o panahon kung kailan sila mag-transform?”
“Ano ba’ng ibig sabihin nito, Avia? Mas matinding problema ba ang nakikita ninyo?”
“Oo, Armani. Dahil ibig sabihin, may nag-i-evolve na kalaban. Tumataas ang kanilang antas kapag may pagbabago sa kanila, mas nagiging makapangyarihan at mapanganib sila.”
“Nakakalapa ang mga aswang na ‘yon ng mga aso kahit araw … ibig sabihin ginusto nilang maging aswang kahit araw at nangyayari?”
“Ganoon nga, Armani. At ito ay ngayon lang nangyari. Kaming mga aswang kasi, kapag nasa porma ng tao, harmless kami. Hindi kami puwedeng lumapa o mangagat man lang. Mga normal ang aming ngipin, normal din ang aming mga kuko, normal ang mga lakas … hindi talaga p’wedeng gawin ang ganito ng isang aswang sa araw. Pero nangyari ito sa aming mga aso ngayong araw na. Dahil kanina, napakain pa nga ng almusal ang mga ‘yan.”
Nanlumo si Armani. “Lumalaki pa ang problema natin, Avia? Malapit na ba talagang maghari sina Simeon?”
“Hindi naman natin papayagan ‘yan, Armani. Lalaban tayo kahit ano pa ang mangyayari.”
Nagyakap ang magkasintahan. Kumukuha ng lakas ng loob sa isa’t isa.
SA isang hindi mataong lugar ng Maynila, araw na araw, may nakakapangilabot na eksena.
Isang teenager na babae, pinagtutulungang kainin ng dalawang aswang. Mga aswang na buo ang katawan, kalahi nina Simeon.
Nang mabusog, parang walang anumang nagbago ng anyo.
Anyong mga tao na. Pagkatapos magpahid ng dugo sa mga bibig, parang walang anumang lumakad palayo. Isang babae at isang lalaki ang mga masasamang lahing aswang na ito.
Nagtatawanan pa.- ITUTULOY
- Latest

















