^

Takot magka-bf ng mas bata

IDAING MO KAY VANEZZA (Pang-masa) - January 19, 2016 - 9:00am

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Mitchie. Sa edad ko na 36 ay gusto ko na rin sanang mag-asawa at magkaroon ng mga anak. Ayokong maging old maid. Pero may pagka-pihikan din kasi ako sa lalaki. Kapag may nakita akong hindi maganda ay agad akong nawawalan ng gana. Dalawang beses pa lang ako nagka-bf pero hindi nagtagal dahil sa nakita kong kapintasan nila. Kinakantiyawan ako ng mga kaibigan ko dahil baka raw ako maiwanan ng biyahe. Ngayon ay may nanliligaw sa akin na kasama ko sa trabaho. Aaminin kong parang may nadarama ako para sa kanya pero kailangan ko pa ring ma-confirm ang aking sarili. Binata naman siya pero napakabata, 27 years lang. Pero mature naman ang kanyang pananaw sa buhay at maginoo. Kaya lang natatakot ako na baka kapag lumipas ang panahon ay magmukha na akong sobrang tanda sa kanya at ipagpapalit niya rin ako. Dapat ko bang tanggapin ang panliligaw niya? - Mitchie

Dear Mitchie

Sa modernong panahon, pangkaraniwan na lang yung mga babaeng nakapag-asawa ng mas bata sa kanila. Tulad ng kasabihan, “age doesn’t matter.” Basta’t tapat ang pag-ibig sa isa’t isa ng magkasintahan. Pag-aralan mong mabuti ang iyong damdamin sa ka-officemate mo. Kung talagang mahal mo siya hindi ka dapat mag-atubili. Hindi ka rin dapat mag-worry na baka ipagpalit ka niya pagdating ng araw dahil ang pag-ibig ay laging may lakip na pagtitiwala. Kung desire ng puso mo na mag-asawa at magkapamilya, ngayon pa lang ay gawin mo na at baka maiwanan ka ng last trip.

Sumasaiyo,

Vanessa

AAMININ AKO ANG AYOKONG BINATA DALAWANG DEAR MITCHIE DEAR VANEZZA MITCHIE PERO STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with